Noong panahon ni Ferdinand Marcos Sr., mayroong taong ayaw pauwiin. Ito ay si Ninoy Aquino. Bakit?
Matunog ang balita noon na may papatay sa kaniya. Sa kabila ng mga pagsisikap na pigilan ang kaniyang pag-uwi, umuwi pa rin siya—ngunit palihim. Umuwi siya sa pangalang Marcial Bonifacio. Ano'ng nangyari? Napatay nga siya at si Marcos ang napagbintangan.
Sa panahon natin ngayon, mayroon namang taong gustong pauwiin. Si Cong. Arnie Teves na nasa abroad. Bakit? Mastermind daw siya sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo ng Negros Oriental, sabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla.
Kung si Ninoy ay sabik umuwi kahit may nakaambang kamatayan sa kaniya, si Teves ay sabik din—pero ayaw niyang mapahamak, kaya ayaw pang umuwi. Kahit na may garantiya pa ang gobyerno ni PBBM na bibigyan siya ng karampatang seguridad ay ayaw pa rin niyang umuwi sapagkat ayaw niyang malagay sa peligro ang kaniyang buhay.
Eh ano kaya kung gayahin niya si Ninoy at umuwi siya ng palihim? Kaso, si Ninoy, kahit ganoon ang ginawa niya, napatay pa rin.
Sa panawagan ng Senado na humarap siya sa hearing, ang sagot niya ay haharap lamang siya sa pamamagitan ng Zoom video conference para sagutin ang lahat ng katanungan sa kaniya. Fair enough. Kasi naman, paano siya makakausap kung patay na siya?
Advertisement
Isa na naman itong teleserye hanggang election season.
Ano na ngayon ang latest development? May mga nagse-spekulasyon na si Mrs. Janice Degamo ang mastermind. Pero spekulasyon lang ito ng mga random vloggers.
Ano nga ba ang dahilan sa likod ng pagpatay kay Degamo? May perang malaki si Degamo. Kanino ito mapupunta kung mamatay siya?
Dapat naman na talagang maimbestigahan ang lahat ng anggulo, kasama na rin ang sabi-sabi na may "love triangle" na factor ang krimen.
Ano ang kinalaman ni Teves sa pagkakapaslang kay Degamo? Ewan ko. 'Yan din ang tanong ni Teves, kung bakit siya ang idinidiin at pinagbibintangan.
Hindi lang siya ni-label na “mastermind,” kundi “terorista” na ang bansag sa kanya ng DOJ, kasama na ang lahat niyang tauhan.
Tahimik naman si Sen. Risa Hontiveros na tutol sa batas na anti-terrorism law kasi baka magamit daw ito sa isang inosenteng tao.
Ok, the floor is now yours senator. Terorista nga ba si Teves?
This is a mad, mad world. 'Yan lang ang masasabi ko.
Ikaw, ano sa palagay mo?





