Nakiusap si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Executive Sec. Ralph Recto na ipamahagi na ang ipinangakong bigas sa mga residente.
Ayon kay Leviste, naipamahagi na noong Abril ang rice stubs na may nakasulat na “May 21, 10:00 a.m., Nasugbu, Batangas,” ngunit wala umanong dumating na bigas sa lugar.
Dagdag pa niya, na-reschedule ang naturang event at wala pang ibinibigay na bagong petsa batay sa impormasyon mula sa Liga ng mga Barangay.
“Kabilang ito sa 84 barangays na hindi binigyan ng ₱16.8M noong Abril 24 dahil umano sa ‘tampururot,’” saad ni Leviste sa kaniyang Facebook post.
Samantala, mamamahagi umano si Leviste ng isang milyong sako ng bigas sa mga residenteng hindi nakatanggap ng ayuda.

