ROAD ADVISORY: Pansamantalang isasara ang ilang lane sa Tulaoc Overpass sa San Simon mula Mayo 28 hanggang Hunyo 4 bilang bahagi ng demolisyon ng lumang overpass at pagtatayo ng bagong istruktura.
Pinayuhan ng NLEX Corporation ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta o maglaan ng dagdag na oras sa biyahe dahil sa inaasahang epekto nito sa daloy ng trapiko.


