Pinagsusumite ng Commission on Elections (Comelec) ng sinumpaang deklarasyon ng conflict of interest ang mga kandidatong tatakbo sa halalan sa oras ng paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).
Sa deklarasyon, mangangako ang kandidato na susunod siya sa Republic Act Nos. 3019 at 6713, kabilang ang pagbabawal sa pagkakaroon ng direkta o hindi direktang interes sa negosyo, kontrata, o transaksiyong maaaring makaapekto sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
Nilinaw naman ng Comelec na hindi ito bagong kwalipikasyon sa pagtakbo sa halalan, kundi isang pangakong susunod ang kandidato sa mga umiiral na batas laban sa katiwalian at conflict of interest.



