Huling namataan ang Bagyong Inday sa layong 1,405 kilometro silangan ng Northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 km/h at pagbugsong umaabot sa 230 km/h.
Batay sa forecast track, kikilos ito pa-kanluran sa loob ng susunod na 24 oras at posibleng lumapit sa extreme Northern Luzon pagsapit ng Biyernes, Hulyo 10, bago makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado, Hulyo 11.
Inaasahan ding mananatili ang lakas nito hanggang bukas bago humina bilang isang typhoon category habang binabaybay ang Philippine Sea.


