Pumanaw ang American singer at internet personality na si Oliver Tree sa edad na 32. Sakay ang singer sa isa sa helicopter na nagbanggan sa Rio de Janeiro, Brazil noong Linggo, Hunyo 14 (local time).
Ayon sa mga awtoridad, lima pang katao ang nasawi sa insidente. Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng banggaan habang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng iba pang mga biktima.
Nakilala si Oliver Tree sa mga kantang “Life Goes On,” “Miss You,” at “ULTRAMAN ft. Diplo.”
: Reuters


