6-WHEELER TRUCK NANG-ARARO NG PITONG SASAKYAN.
Patay ang isang 53-anyos na babae nang araruhin ng isang six-wheeler truck ang kaniyang sinasakyan sa Upper Pulacan, Zamboanga del Sur nitong Agosto 5.


Batay sa paunang ulat, nasira umano ang preno ng truck habang binabaybay ang matarik na kalsada. Bumulusok ang truck paurong at sunod-sunod na inararo ang isang TVS tricycle, dalawang payong-payong tricycle, isang minivan, motorcycle, at bus.
Dahil dito, nadamay ang ginang na sakay ng TVS tricycle, habang sugatan naman ang walong iba pa. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck. | via Ely Dumaboc



