Kinailangan nang gumamit ng bangka ng ilang residente dahil umabot na hanggang baywang ang taas ng tubig-baha sa kahabaan ng Sto. Domingo Avenue corner Don Manuel, Quezon City, bandang 3:00 ng hapon ngayong Lunes, Agosto 17.
Dahil sa malakas na pag-ulan, nahirapan ang mga motorista at biyahero na dumaan sa lugar. Ilang sasakyan naman ang piniling huminto o gumamit ng alternatibong ruta.
Pinapayuhan ang mga residente na iwasang lumabas kung hindi kinakailangan at huwag suungin ang mataas na baha upang maiwasan ang panganib.
Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa lugar.
📷: QCPD-TEU | via Jim Tejano
