Umani ng batikos si PCO Usec. Claire Castro hindi lamang mula sa mga guro kundi sa maraming netizen. ito ay dahil sa kaniyang naging pahayag kaugnay ng pamamaril ng isang estudyante mula sa Zamboanga City nitong Martes, Agosto 18.
Sinabi ni Castro na may ilang guro umanong lumalabag sa moralidad at nagtuturo sa mga estudyante na maging walang galang sa mga nakatatanda.
Mariin naman itong tinutulan ng ACT Teachers Party-list. Anila, imbes na magturo at maghanap ng masisisi ay dapat pagtuunan ng administrasyon ang problema sa edukasyon ng bansa.
