Nawalan ng gana at nadismaya si Alliance of Concerned Teachers (ACT) chair Ruby Bernardo sa mga naging pahayag ni PCO Usec. Claire Castro kaugnay ng naging pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.
“Sila minsan ay nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung papaano maging walang modo, lalong-lalo na sa mga nakakatanda or sa mga ibang tao,” pahayag ni Castro.
Pinalagan naman ito ni Bernardo at giniit na hindi nagtuturo ng ganitong uring pakikitungo ang mga guro. Patuloy rin umano nilang pinapasan ang bigat ng pagtuturo sa mga estudyante kahit pa maliit ang kanilang kinikita.
📸: PCO

