Ayon sa isang kolumnista, ang mga nakaraang protesta ay isang malakas na paalala na marami nang Pilipino ang naniniwalang ang tinatawag na anti-corruption drive ng administrasyon ay hindi walis na panglinis kundi isang blade na namimili ng susugatan. Narito pa ang mga puntos kung bakit tila hindi na makatarungan ang ating mga namiminuno:
1. Ang kaso: may pagdududa sa legalidad
Puwede ba talagang maging mahiwagang plunder ang mga private donations, gayong wala namang pampublikong pondo, kontrata, o pabor na nasangkot?
Ayon kay Malindog-Uy, hindi ito usapin ng simpleng aritmetika. Plunder under Republic Act 7080 requires proof of ill-gotten wealth mula sa corrupt acts, hindi lang basta pagdaragdag ng tatlong donasyon hanggang umabot sa P50 million threshold. Wala raw dito ang “missing bridge”: walang malinaw na pampublikong pondo, kontrata, o pabor na ipinagpalit.
Idinagdag pa ni Rigoberto Tiglao sa kanyang column na “Three Possible Scenarios in Marcoleta Case”: malinaw na na-clear na ng Comelec si Marcoleta noong Marso 17, 2026, sa boto na 6-0, dahil ang hindi pagdedeklara ng campaign contributions ay hindi na krimen sa ilalim ng Section 39 ng RA 7166.
So the plunder charge, according to Tiglao, is not just legally dubious. It is a direct challenge to the decision of another constitutional body.
2. Bakit siya at bakit ngayon
Si Marcoleta ang naging pinakamalakas na tinig laban sa flood control scam bilang dating chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, bago pa siya alisin sa puwesto noong Hunyo 3 nang kinuha ang kontrol ng mga kaalyado ni Marcos sa Senado.
Siya rin ang sumuporta sa mga whistleblower tulad ni Orly Guteza at ng 18 dating sundalo na nagsumbong tungkol sa mga maleta ng pera na diumano'y dinala sa bahay ng mga opisyal.
Instead of investigating the allegations, ang mismong mga whistleblower ang kinasuhan ng libel, at itinuring pa ng NBI na hearsay ang kanilang testimonya.
Ngayon, si Marcoleta ay dapat sanang nakaupong senador-judge sa kasisimula lamang na impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.
A non-bailable plunder case is reason enough para siya ma-suspend at maalis sa Senado bago pa man magsimula ang paglilitis.
This is no accident, sabi ni Tiglao.
This is legal warfare: alisin ang di-komportableng senador, takutin ang kanyang mga donor, at bigyang-babala ang sinumang mambabatas na balak sumuway sa Malacañang.
3. Ang mga pagkakawatak-watak
Ipinapakita naman ni Alex Magno sa kanyang column na “Polarized” kung paano tuluyan nang naghati ang bansa.
The Senate has broken down into irreconcilable factions.
Walang natapos na resulta ang Independent Commission for Infrastructure.
Ang mga whistleblower na naghain ng mga testimonya na may mga larawan pa ay tinarget ng libel suits, habang ang NBI ay tila mas interesadong sirain ang kredibilidad nila kaysa siyasatin ang paratang.
And as the administration's popularity keeps sinking, tila wala nang natitirang gitnang puwersa, puro na lang pagpanig sa kanila, ayon kay Magno.
4. Ang batas, depende sa kaalyado o kaaway
Mas matalas pa ang paglalarawan ni Lito Banayo sa kanyang column na “Parable of the Bend” sa Manila Standard:
“The rule of law is no more. What matters is the rule of the bend.”
Advertisement
Itinuro niya na sa mismong araw na inihayag ng Ombudsman ang planong plunder charge laban kay Marcoleta, ibinasura rin nito ang plunder case laban sa isang dating kalihim ng Public Works, at ginawa itong state witness, ang mismong umanong opisyal na dati nang pinagdudahan sa substandard and overpriced projects.
Ang tanong na lumalabas dito: paano nagiging maluwag ang batas sa panig na may kinalaman umano sa bilyon-bilyong flood control funds, samantalang non-bailable naman ang kasong isinampa laban sa isang senador na wala man lang mapatunayang pampublikong pondong nasangkot?
Paharap, paatras, pakaliwa, pakanan, ang batas ay yumuyuko lang, depende kung ikaw ay kaalyado o kaaway.
Ang istilo ng mga namiminuno
Kung pagsasama-samahin ang punto ng apat na kolumnista, ito ang paulit-ulit na senyales na ginagawa umano ng mga namiminuno sa kasong ito:
Ginawang plunder ang legal na private donations sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng halaga hanggang umabot sa P50 million threshold, kahit walang napatunayang pampublikong pondo, kontrata, o pabor na nasangkot (Malindog-Uy, Tiglao).
Binalewala ang desisyon ng Comelec noong Marso 17, 2026 na nag-clear na kay Marcoleta, dahil hindi na krimen ang hindi pagdedeklara ng campaign contributions sa ilalim ng RA 7166 (Tiglao).
Inalis si Marcoleta bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee nang kontrolin ng mayorya ni Marcos ang Senado noong Hunyo 3, 2026 (Tiglao).
Kinasuhan ng libel ang mga whistleblower, sina Orly Guteza at ang 18 dating sundalo, sa halip na siyasatin ang kanilang paratang; itinuring pa ng NBI na hearsay ang kanilang testimonya (Magno, Tiglao).
Isinampa ang non-bailable na plunder charge bago pa magsimula ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte, kung saan dapat sanang umupo si Marcoleta bilang senador-judge (Tiglao, Banayo).
- Sa mismong araw na inihayag ang plunder rap kay Marcoleta, ibinasura ang plunder case laban sa isang dating kalihim ng Public Works at ginawa itong state witness (Banayo).
The Bald Truth
Ito ang buod ng apat na kolumnista: ang kaso kay Marcoleta ay hindi patunay na mahigpit ang batas, it is a proof of selective justice.
Mabilis kung ang tinatamaan ay kritiko, pero mabagal at tila bulag kung ang tinatamaan ay kaalyado.
At kung tatanggapin nating puwedeng gawing plunder ang isang legal na donasyon dahil lang sa gusto ng Malacañang, wala nang ligtas na negosyante, grupo o mamamayan na susuporta sa sinumang kandidatong hindi magugustuhan ng Palasyo.
Tama si Tiglao: words matter.
Ang plunder ay ginamit dati para sa tunay na malaking pagnanakaw ng bansa. Ang paggamit nito laban sa isang senador na nagsusumbong ng korapsyon ay insulto sa lahat ng nagdusa sa totoong plunder.
At nakalulungkot, sabi ni Banayo, marami sa mga nakinabang noon sa People Power laban kay Ferdinand Sr. ang siya na ngayong kasabwat at cheerleader ng ganitong pagpilipit ng batas sa panahon ni Ferdinand Jr.
Kaya bago pa tayo maniwala sa sinasabing “no one is above the law,” tanungin muna natin:
“Bakit tila ang accountability ay nakatuon sa mga kritiko, pero laging nawawala kapag ang tinatamaan ay mga kaalyado?”



