Namataan ang isang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 3,315 km Silangan ng Central Luzon na may dalang hangin na 45 km/h.

Sinabi ng state weather bureau na kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran ngunit mababa ang tiyansang pumasok ng PAR at makaapekto sa lagay ng panahon ng bansa.
