Masayang isinisigaw ng ating mga kababayan ang panawagang pagkakaisa at pagkakasundo sa ginanap na National Rally for Peace nitong Lunes sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Inabutang malinis at iniwang mas malinis ang mga venue ng aktibidad. Umuwi ang mga kababayan natin na bitbit ang pag-asa ng malaking pagbabago at pag-unlad ng bansa.


