Lumakas at naging isang tropical depression ang LPA na binabantayan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,920 km Silangan ng Southeastern Luzon. May dala itong hangin na 55 km/h at pagbugsong umaabot ng 70 km/h

Sa kasalukuyan, wala pa itong direktang epekto sa lagay ng bansa ngunit ang trough ng bagyo ay magpapaulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Mataas din ang tiyansa nitong pumasok sa PAR bukas ng umaga o hapon, Setyembre 24.

