📱 SOCIAL MEDIA UPDATE
Batay sa Digital 2026 Philippines report ng DataReportal, halos pantay ang oras na ginugugol ng mga Pinoy sa Facebook at TikTok.
May average na 1 oras at 31 minuto kada araw ang paggamit ng mga Pilipino sa Facebook, habang 1 oras at 30 minuto naman ang ginugugol sa TikTok.
Pumangatlo ang YouTube na may 1 oras at 18 minuto na average daily usage, habang pang-apat ang Messenger na may 57 minuto kada araw.




