Dalawang insidente ng pamamaslang kabilang ang isang dating drug detainee ang naitala ng CALABARZON Police sa magkakahiwalay na pamamaril Laguna at Batangas noong Biyernes.
Batay sa ulat ng CALABARZON Police, dakong 8:40 ng gabi ng barilin ang biktimang si Marlon Dejumo sa kahabaan ng Narra Road, Kings Farm, Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna.
Sa imbestigasyon ng San Pedro City Police, nabatid na nag-aabang ng tricycle ang biktima nang sumulpot ang suspek at malapitan na si Dejumo na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Base sa rekord ng pulisya, si Dejumo ay kabilang sa drug watchlist at dati ng nakulong sa kasong pagtutulak ng droga.
Bandang 4:55 ng hapon naitala ang insidente ng pamamaril kay Edgardo Sanbuenaventura Jr. sa kahabaan ng Brgy. Ermita-Calzada, sa bayan ng Balayan, Batangas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Balayan Police, natukoy na nakasakay ang biktima sa pag-aaring motorsiklo ng lapitan ng hindi mga kilalang suspek at pagbabarilin na napuruhan at agad binawian ng buhay.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 11 piraso ng basyo ng cal. 45 pistol at pitong basyo ng bala.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa tunay na motibo sa krimen upang matukoy at maaresto ang mga salarin sa magkahiwalay na insidente ng pamamaslang.


