Pinarangalan ng Senado ang Filipino pop group na SB19 ngayong September 28, 2026 bilang pagkilala sa kanilang historic performance sa Lollapalooza Chicago noong July 30, kung saan sila ang naging unang Filipino act na nagtanghal sa naturang international music festival.
Dumalo sa Senado ang limang miyembro na sina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin para sa pagkilala.
Kaugnay nito ang mga resolusyong inihain nina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan, na kumikilala sa kontribusyon ng SB19 sa pagpapalawak ng OPM at Filipino music sa international stage.
Ang pagkilala ay isa na namang milestone para sa SB19, na patuloy na nagdadala ng Filipino music at P-pop sa mas malawak na global audience.
PHOTO BY JOHN ORVEN VERDOTE

