Ang mga pelikula ay sumasalamin sa realidad ng buhay, kahit pa ang genre ay science-fiction o fantasy, dahil ang mga tema nito ay hango sa tunay na buhay: pag-ibig, kahirapan, pagsubok, pamilya, kapatawaran, at iba pa.
Hindi naman kaila sa atin na habang tumatagal, pasama ng pasama ang kalagayan ng mundo. Maraming mga bagay na kung dati ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan ay hayagan nang nino-normalize at minsan pa nga ay niro-romanticize pa ng mga pelikula, tulad ng mga delikadong kalayawan at bisyo, karahasan, kalaswaan, o kasamaan.
Kaya, nang mapanood ko ang "Monday First Screening," ang debut film ng NET25 Films, sa isa sa mga advance screenings nito, na-realize ko na hindi pa pala laos ang mga pelikulang wholesome, basta’t maayos ang pagkakagawa.
Kailangan nga ba ng mga eksenang puno ng pagmumura, kalaswaan, o kalayawan para lang mas makulay at entertaining ang pelikula? Hindi kailangan ang mga ito para lang umangat ang kwento. Iyan ang napatunayan ng "Monday First Screening."
Hindi ko naman sinasabi na lahat ng pelikulang hindi wholesome ay masama, sapagkat napakaraming pelikula na pang “mature audiences” na dekalidad at nakapagtuturo din ng mga mahahalagang leksyon sa buhay. Kundi, posible pa rin na maging napaka-entertaining ang wholesome movie.
Advertisement
Kaya’t kung gaano man kasaya na ang Philippine cinema dahil sa halu-halong kwento at istilo sa paggawa ng pelikula, malaki pa rin ang nagagawa ng NET25 Films upang magsilbing source ng wholesome movies. Lalo na at mayroon pa ring mga Pilipino na ang hanap ay pelikulang angkop para sa buong pamilya.
Sa direksyon ni Benedict Mique, ang "Monday First Screening" ay may universal appeal. Sino ba ang ayaw ng love story? Oo, ang kwento kasi nito ay love story sa twilight years. Sinasalamin nito ang katotohanan na mayroong mga pag-ibig na nabubuo sa panahon ng katandaan. Romantic-comedy ito na nakaaliw talaga!
Grabe kung magpakilig ang pelikula habang nabubuo ang attraction sa pagitan ng dalawang senior citizens na pinagbibidahan ng mga respetado at beteranong mga aktor na sina Ricky Davao at Gina Alajar.
Sa sinehan pa talaga sila nag-“meet cute”! So dobleng saya ito sa akin bilang mahilig sa pelikula. Nakakatawa ang mga jokes, malakas ang chemistry ni Davao at Alajar, at habang tumatagal, may mga iniiwan ang pelikula na mga gintong aral—pero hindi preachy, kundi inspiring lang.
Ang higit na nanakatuwa sa "Monday First Screening" ay hindi lang siya para sa mga hopeless romantics, kundi para sa lahat ng edad. Pelikulang pampamilya talaga.
Masaya ako nang malaman na ipapalabas na ito sa August 30, 2023 sa 100 na sinehan sa bansa kasi mapapanood na ito ng mas nakararaming tao— na siguradong magpapatanggal ng inyong stress at magpapa-in love sa inyo.





