SOLD OUT kaagad ang mga presale ticket para sa Day 3 ng "Arirang" world tour ng K-pop supergroup na BTS sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.
Isang oras lang inubos ng mga nasa ARMY Membership Presale ang available tickets, patunay ng mataas pa ring demand para makapanood ng concert ng grupo.
Samantala, may tsansa pa ang ibang mga fans dahil ang general onsale ay bubuksan sa Sabado, Hunyo 20, alas-9 ng umaga.
Bagaman higante sa laki ang Philippine Sports Stadium, hindi sumapat ang dalawang araw na schedule para ma-experience ng napakaraming fans ng BTS ang Arirang world tour sa 2027.

