Sa mga kaganapan ngayon ay mainit pa rin ang usapin tungkol sa insidente na nangyari noong August 5 sa Ayungin Shoal.
Naging animated ang grupo na Pro-U.S., Pro-Chinese, at Pro-Pinoy sa ating bansa. Pinaka-maingay ay ang pro–U.S.
Ang Pro-U.S. ay isa lang ang nasa utak: Resbak. I-invoke ang 1952 Mutual Defense Treaty at EDCA.
Nandyan si Ambassador to the U.S. na si Jose Manuel "Babes" Romualdez, Senator Miguel Zubiri, at iba pang mga senador, PCG spokesman Jay Tarriela, at iba pa.
Ayon sa mga Pro-U.S., armasan ang ating mga mangingisda at turuang maging mandirigma.
Buti na lang tumanggi ang mga mangingisda sapagkat nakakapangisda pa rin naman daw sila sa Ayungin Shoal.
"Hindi po kami hahawak ng armas, magre-report na lang kami kung may insidente," sabi ng mga manginigsda.
Ang pro-Chinese ay mas interesado sa nation-building. Naniniwala sila na ang mga Chinese ay magaling na kanegosyo. Tingnan n'yo si Henry Sy, isang Chinese-Filipino na hari ng mga malls dito sa atin. Siya pa rin, bagama't pumanaw na siya.
Ang mga mayayaman sa ating bansa ay pro-China. Payag kaya sila sa gusto ng mga pro-U.S. na iboycott ang mga produkto nila? Tanungin niyo ang Ayala Corp. na sumosyo sa mga Chinese kamakilan lamang.
Kung tutuusin ay maraming Filipino ang may dugong Chinese. Ang ating bayani na si Dr. Jose Rial ay may lahing Chinese. Kaya may Jose Rizal Park Square sa Jinjiang, China, kung saan naroon ang more than 18-feet high statue niya.
Kilala ng China ang Chinese roots ng ating bayani. Siya raw ay descendant ni Cua Yi Lam, isang native ng Fujian sa China.
Ano ang tawag ng pro-U.S. sa mga pro-Chinese? Mga unpatriotic Filipinos, fake news peddlers, at mga "traydor."
Di ba't ito ang sinabi nung Commodore Jay Tarriela, Pentagon—este, Philippine Coast Guard spokesman kuno—bagama't ang tunay na spokesman ay si Rear Admiral Armand Balilo na tahimik sa insidenteng ito.
Si Tarriela (kicked-out sa PMA noong January 2005 dahil sa pandaraya) sa totoo lang ay ang mouthpiece ni Col. Ray Powell ng U.S. Air Force na isang instigator na naguutos kay Tarriela na i-hype ang China water-spraying incident upang ikagalit ng taong bayan.
Sana itong mga Kano na pakialamero dito sa dispute natin sa China ay ituon ang kanilang magagawa sa Maui, Hawaii na nilamon ng wildfire at katakot-takot ang pinsala sa buhay at ari-arian.
Sino ang Pro-Pinoy? Mga Pilipino na ayaw ng giyera. Sapagkat hindi ito ang solusyon. Naniniwala sila sa diplomasya. Kaya nga may tinatawag na negotiating table kung saan napa-plantsa ang anomang gusot na kailangang maayos. Ang dating Pangulong Duterte ang magaling sa ganito.
Naalala ko nung lusubin ng Maute-Isis ang Marawi, dagling umorder si PRRD sa kaalyado nating U.S. ng armas na panlaban sa mas sophiscated weapons ng mga teroristang ito. Subalit, tinanggihan siya ni Big Brother. Bakit? Dahil baka raw gamitin lamang niya ito sa paglabag sa human rights. Ayaw ng U.S. sa kaniya.
Advertisement
Bumaling si PRRD sa China at approved agad ang order. Lahat ng ulo ng Maute-Isis ay pinasabog ng mga sundalo natin na ang gamit ay ang mga baril na made in China.
Sa ganang akin, bully ba ang China na nag alok ng 60-40 sa joint exploration dyan sa mga reefs sa South China Sea (sa atin, West Philippine Sea)? Sa atin 60; 40 sa kanila. Kasi yung mga oligarch dito gusto 100% sa atin.
Nung panahon ng pandemya, sino ang unang nagpadala ng vaccine dito sa Pilipinas? Di ba China? Kaya nga si PRRD ay Sinovac ang tinurok sa kanya. Nagpadala ang mga Kano ng kanilang vaccines na dati ay ayaw nang suspendihin ni PRRD ang Visiting Forces Agreement (VFA). Importante ito sa mga Kano. Ganiyan ang leader.
Bakit nga ba binomba ng China ang ating coast guards? Dahil wala raw sa usapan na tayo ay magpadala ng reenforcement o building materials para sa barkong Sierra Madre o sa Ayungin Shoal.
Ginamit ng CCG ang water cannon upang mapigilan ito. Walang problema sa vessel na nagdala ng provisions para sa 8 marino na naroroon sa barko. Payag ang Chinese dito since 1999, otherwise malamang skeleton na ang mga yan.
Iginit ng China na may pangako ang Pilipinas na aalisin ang kalawanging barko bigyan lamang ng panahon. Dalawamput-apat na taon na ang nagdaan naroroon pa rin.
Kung talagang tinatawag na outpost natin yan, isang sira-sirang vintage ship, ay isang national disgrace yan sa ating bansa kapag yan ay lumubog considering sumasagisag yan ng ating sovereign rights.
Diplomasya ang solusyon sa gusot natin dyan sa China. “Meet us halfway” sabi nga ng China.
Ano ba ang ibig sabihin ng "diplomasiya"? Ayon sa Oxford Handbook of Modern Diplomacy: "It is about looking for and finding common ground, about forging aggreement and achieving balance of benefits that will allow each party to go home with at least some degree of satisfaction."
Diba maganda ang ganitong kaparaanan para sa katanggap-tanggap na kasunduan ng bawat partido at hindi gulo ang kinauuwian?
Ukol naman sa giyera ay gusto kong iwan ang sinalita ng isang U.S. Major General na si Smedley D. Butler, 1935 U.S. Marine Corps. Two-time winner ng Congressional Medal of Honor.
"War is a racket. It always has been. It is possibly the oldest, easily the most profitable, surely the most vicious. It is the only one international in scope. It is the only one in which the profits are reckoned in dollars and the losses in lives. A racket is best described, I believe, as something that is not what it seems to the majority of the people. Only a small 'inside' group knows what it is about. It is conducted for the benefit of the very few, at the expense of the very many. Out of war a few people make huge fortunes.”
Si Ray Powell at Jay Tarriela at iba pang pro-U.S dito sa atin ay gusto ng giyera. Tandaan natin na kung magkagiyera man ay ang mga mahirap sa bansa ang ibabato ng U.S. tayo sa China. Aarmasan, susuplayan ng mga modernong kasangkapang pang giyera, at ano ang mangyayari sa atin? Ukraine.
Kita nyo sa sa Ukraine, mga supermodels at senior citizens pinakikitang may hawak na high-powered weapons? ⚫️





