Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga ng mga awtoridad sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Abril 4.
Kinilala ang suspek na si alyas “Macky,” 44. Nakumpiska sa kaniya ang isang 9mm pistol (NP17 Norinco), isang cal. 38 revolver, anim na bala ng cal. 38, labing-isang bala ng 9mm, dalawang pirasong 9mm magazine, at apat na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 29 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P197,200. Kasama rin sa mga nakuha mula sa kaniya ang dalawang sling bag at isang coin purse.
Ayon sa imbestigasyon, napag-alamang dati nang naaresto si “Macky” sa Laguna noong 2023 dahil sa paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165 at R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code).
📷: RPPO