Logo
FEATURED

KULONG AT MULTA SA MGA PABAYANG MAGULANG, ISINUSULONG SA KONGRESO

Published Nov 09, 2022 03:00 PM by: NET25 News

KULONG AT MULTA SA MGA PABAYANG MAGULANG, ISINUSULONG SA KONGRESO

Posible ng makulong at pagmultahin ang mga magulang na walang pakialam sa mga anak. Ipinanukala ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at tatlo pang mambabatas na ikulong at pagmultahin ang mga magulang na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang anak o mga anak. Sa ilalim ng House Bill 4807 o Child Support Responsibility Act, nais ni Duterte na parusahan ang mga magulang na hindi magbibigay ng sustento sa mga anak. Ang mapapatunayang lumabag ay maaaring makulong ng dalawa hanggang apat na taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P300,000. Pwedeng bigyan ng probation ang first-time offender na magulang. Batay sa panukala hindi dapat bumaba sa P6,000 kada buwan o P200 kada araw ang child support. Ang mga magulang na mayroong utang na sustento ay hindi bibigyan ng pasaporte. Maaari ring kanselahin o suspendihin ang kanilang driver’s license, professional at occupational license, recreational o sporting license. Kung walang trabaho, ipapasok ito sa mga programa ng gobyerno upang magkaroon ng kita. Upang masiguro na magbibigay ng suporta, maaaring hawakan ng gobyerno ang kanilang ari-arian, tax refund, i-report sa consumer credit bureau, at kaltasan ang kanilang sweldo o retirement benefits.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News