Logo
FEATURED

OPS, NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG MALACAÑANG EMPLOYEE

Published Jul 15, 2022 01:01 PM by: NET25

PLAY

OPS, NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG MALACAÑANG EMPLOYEE

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Ginoong Mario Castro, empleyado ng Information Communications Technology Office (ICTO), na namatay matapos mahulog sa 4th floor ng Mabini Hall sa loob ng Malacañang Compound. “The Presidential Security Group and the PNP Security Force Unit are jointly investigating the unfortunate incident. We in the Office of the Press Secretary are sending our deepest condolences to Mr. Castro’s family and loved ones,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz- Angeles. Kapuwa tinitingnan ng PSG at PNP-SF ang posibilidad na sinadya ni Castro ang tumalon mula sa 4th floor ng Mabini Hall. Si Castro ay administrative aide ng ICTO, na nasa ilalim ng Office of the Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting (ODESFA). "He died from an apparent fall from the fourth floor of Mabini Hall which is located inside the Malacañang compound," ayon kay Cruz-Angeles. Sa kabilang dako, sinabi pa ni Cruz-Angeles na handa ang Palasyo na magbigay ng tulong sa pamilya ni Castro. "We will do whatever we can to help the family," aniya pa rin.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News