Logo
FEATURED

MMDA NAGSAGAWA NG CLEARING OPERATION SA MAYNILA

Published Jul 08, 2022 01:49 PM by: NET25 | Gaddet Addict

PLAY

MMDA NAGSAGAWA NG CLEARING OPERATION SA MAYNILA

Muling nagsagawa ng clearing operations ang Task Force ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa lungsod ng Maynila.  Kabilang sa mga sinuyod ay nasa ilang barangay gaya sa Paco.  At kabilang sa mga nahatak ay mga sasakyang ilegal na nakaparada o sagabal sa kalsada.  Ayon naman kay Col. Bong Nebrija, hindi bababa sa 37 ang apprehensions habang 19 ang kanilang na-tow.  Naubusan pa raw sila ng tow trucks.  Tiniyak naman ni Nebrija na walang humpay at walang puknat pa rin ang kanilang clearing operations, kahit wala pa silang bagong chairman.  Wala pa kasing itinatalaga si Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Bilang MMDA chair kapalit ni dating chair Romando Artes.  Kaya sa ngayon, ang kanilang OIC ay si Flood Control and Sewerage Management Office chief Baltazar Melgar.  Dagdag ni Nebrija, bukod sa clearing ops ay magpapatuloy pa rin ang iba pang programa ng MMDA at hindi rin aniya madidisrupt o mahihinto ang mga serbisyo nila sa publiko.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News