Logo
FEATURED

MALAKING BILANG NG MGA TAO, MATAPANG NA SINAGUPA ANG ULAN PARA MAKASAMA SA #SALAMATPRRD EVENT

Published Jun 27, 2022 12:59 PM by: NET25 | 📷 DADDY D FB

PLAY

MALAKING BILANG NG MGA TAO, MATAPANG NA SINAGUPA ANG ULAN PARA MAKASAMA SA #SALAMATPRRD EVENT

HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan at hindi nagpatinag ang libo-libong mga taga-suporta at fans ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dumalo sa "Salamat PRRD", isang thanksgiving concert sa Quirino Grandstand sa Maynila. Tinatayang 3,500 katao ang dumagsa sa lugar na nagsilbi ring venue para sa miting de avance ni Pangulong Duterte noong 2016 elections. Sa isang panayam, sinabi ng event director na si Njel De Mesa na ang thanksgiving concert ay hindi lamang idinaos para pasalamatan si Pangulong Duterte sa pagsisilbi sa bansa sa nakalipas na anim na taon kundi para ipakita ang labis na pasasalamat sa mga supporters at fans na nanatiling nakatayo at nakasuporta sa Pangulong sa kabila ng mga kritisismo. Sa kabilang dako, dumating si Pangulong Duterte sa Quirino Grandstand, ilang minuto bago mag-alas 7 ng gabi. Namataan naman ang mga outgoing at incoming government officials sa nasabing event. Samantala, nag-perform naman sa nasabing concert sina Andrew E. Chad Borja, Dulce, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Martin Nievera, Moymoy Palaboy, Robert Seña, at ang Philippine Philharmonic Orchestra.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News