NURSE NAHULOG SA ZIPLINE, PATAY
Published Jun 15, 2022 12:04 PM by: NET25 | 🎥: CagayanKnows
MALAGIM ang sinapit ng isang lalaking nurse na halip na saya, kamatayan ang sinapit nang mahulog sa zip line sa isang leisure facility sa Tabuk, Kalinga. Dead on arrival sa Kalinga Provincial Hospital si Paul Herbert Gaayon, 31-anyos. Sinabi ng kapatid nito na nagawang makatawid ng biktima sa dulo ng zip line sa unang subok nito pero sa ikalawang pagtawid ay nadulas ang zip line holder dahilan ng kanyang pagkahulog. Ayon naman sa management ng leisure facility, naipaliwanag naman sa biktima at kasama nito ang dapat gawin para sa kaligtasan habang nasa loob ng nasabing park. Inamin ng owner ng pasilidad na bumagsak sa safety net ang biktima subalit dahil sa bigat nito ay napunit ang lambat dahilan para bumulusok sa ibaba na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Latest News