Logo
FEATURED

PDU30, KUMANTA NG 'IKAW' SA KANYANG HULING CABINET MEETING

Published May 31, 2022 01:34 PM by: NET25 | 🎥: Popoy De Vera

PLAY

PDU30, KUMANTA NG 'IKAW' SA KANYANG HULING CABINET MEETING

HINARANA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga opisyal ng kanyang gabinete sa kanyang huling pakikipagpulong sa mga ito, Lunes ng gabi. Base ito sa video na naka-post sa social media.  Isang video kasi ang ibinahagi ni Prospero de Vera, chairman ng Commission on Higher Education (CHED), nagpapakita na nag-belting si Pangulong Duterte sa huling nota ng "Ikaw," sikat na kanta ng "Asia's Songbird" Regine Velasquez. Isang orchestra at isang singer ang kasama ng outgoing President, na nagsabing maaari siyang magturo sa kanyang hometown sa Davao City kapag bumaba na siya mula sa kanyang tanggapan. Nakita rin ang Pangulo na nakaupo sa tabi ng kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña.  Ito ang kauna-unahang may isang "tough-talking President" ang kumanta ng "Ikaw." Nag-perform ang Pangulo ng sarili niyang rendition ng kahalintulad na kanta sa "GGV" ni Vice Ganda noong 2015.  Sa kabilang dako, sinabi naman ni Acting Palace spokesperson Martin Andanar na ang event kung saan kumanta si Pangulong Duterte, 77 ay bilang isang thanksgiving. "It was sort of a thanksgiving dinner hosted by PRRD for his Cabinet," ayon kay Andanar. Samantala, sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang Cabinet meeting ay nakatuon sa "several projects and programs" ng gobyerno. Araw ng Lunes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nage-empake na si Pangulong Duterte ng kanyang mga gamit at naghahanda nang bumalik sa Davao City. Nakatakdang umalis ang Pangulo sa Malakanyang sa darating na Hunyo June 30 dahil iyon din ang araw na uupo naman bilang bagong Pangulo ng bansa si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News