Logo
FEATURED

3 PASLIT NA MAGKAKAPATID PATAY SA SUNOG SA QC

Published May 30, 2022 03:23 PM by: NET25 | 📸: Screenshot of Jed Londres video/ PTV

PLAY

3 PASLIT NA MAGKAKAPATID PATAY SA SUNOG SA QC

HINDI maganda ang araw ng Linggo sa isang pamilya nang masawi ang tatlong batang magkakapatid sa sunog sa Quezon City kaninang madaling araw. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-QC naganap ang sunog sa residential building sa Kaliraya Street, pasado alas-4 ng madaling araw. Ayon sa ama ng mga bata, unang nagising ang kanyang misis dahil sa usok sa kanilang kuwarto sa ikatlong palapag ng gusali. Nang kanilang buksan ang pintuan ng kanilang kwarto ay puno na ng usok ang kanilang sala habang hindi na maawat ang pagkalat ng apoy. Aniya, tumakbo na siya para humingi ng tulong karga ang kanilang bunso na sanggol na apat na buwang gulang. Pagbaba nila sa ikalawang palapag ay inihagis niya ang sanggol sa kanilang kapitbahay na sumalo nito. Ang ama at ang misis kasama ang kanilang panganay ay nakatalon pa mula sa second floor kaya nagtamo ng sugat subalit bigong maisalba ang dalawang anak na babae at isang lalaki na na-trap na sa nasusunog na bahay.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News