Logo
FEATURED

2 BIG-TIME PUSHER NG CEBU TIKLO, P14.5M HALAGA NG SHABU NASAMSAM

Published Sep 22, 2022 05:01 PM by: NET25 News | 📷 : Philippine National Police FB

2 BIG-TIME PUSHER NG CEBU TIKLO, P14.5M HALAGA NG SHABU NASAMSAM

Dalawang high value target ang nasakote ng Philippine National Police (PNP) at nakumpiskahan ng P14.5 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Cebu City. Sa ulat na nakarating kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang unang operasyon sa Barangay Bacayan, Cebu City noong Martes ay nagresulta sa pagkaka rekober ng isang kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P7.1 milyon. Naaresto ang isang high value individual na si Rulan Mercado at ang dalawang kasamahan na sina Reynaldo Ardina at Ryan Zanoria. Sa pangalawang operasyon, nabingwit si John Mark Cuizon, isa pang high value target, at nakuha sap ag-iingat nito ang mahigit isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P7.4 milyon. Pinuri ni Azurin ang kooperasyon ng lahat ng stakeholders sa kampanya kontra droga na nagresulta sa dalawang matagumpay na operasyon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News