Logo
FEATURED

PBBM AT DATING UK PRIME MINISTER, NAGPULONG

Published Sep 22, 2022 04:54 PM by: NET25 News | 📷 : Office of the President FB

PBBM AT DATING UK PRIME MINISTER, NAGPULONG

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa New York. Si Pangulong Marcos ay kasalukuyang nasa New York para sa anim na araw na working visit at partisipasyon sa 77th Session ng United Nations General Assembly. Sa Facebook post ng Pangulo, sinabi nito na tinalakay nila sa naturang pulong ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao, food security, climate action, at trade. Si Blair ang kasalukuyang executive chairman ng Tony Blair Institute for Global Change. Samantala, kinumpirma naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Marcos at US President Joe Biden. "Sa unang pagkakataon, nakatakdang makipagkita at makipag pulong ang ating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kay US President Joe Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly sa Estados Unidos,” pahayag ni Cruz-Angeles. “Inaasahang matatalakay ng dalawang world leader ang pagpapatatag ng relasyong Pilipinas-US na nasa 76 na taon na ng kooperasyon, pagpapayabong ng kalakalan, pamumuhunan sa ating bansa, at iba pang isyu na kinakaharap ng mundo," dagdag niya. Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Pangulong Marcos sa Setyembre 24.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News