Logo
FEATURED

VISA-FREE ENTRY NG MGA PINOY SA JAPAN, ISUSULONG NG DFA

Published Sep 22, 2022 04:23 PM by: NET25 News

VISA-FREE ENTRY NG MGA PINOY SA JAPAN, ISUSULONG NG DFA

Sisikapin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maging visa-free ang pagpasok ng mga Pilipino sa Japan. Ito ang tiniyak ni Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Japan Mylene Garcia-Albano sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA). Kasunod ito ng pahayag nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Sagip Rep. Rodante Marcoleta na sana payagan ang mga Pilipino na makapasok sa Japan nang walang visa. "Thank you for that suggestion… That is something that I can certainly pursue," pangako ni Garcia-Albano. Samantala, inihayag din ni Garcia-Albano na tutulungan nito ang mga Pilipinong "comfort women." “As their representative of the country in Japan, I will do all that I can to make sure that whatever our comfort women need, that they can have within the parameters of DFA positions on this matter. Rest assured that I’m there and I can help them to the extent that I can,” ani Albano. Kabilang sa mga priority areas ng Philippine-Japanese bilateral relations ay food security, energy, health, education, trade and investment, at turismo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News