Logo
FEATURED

PAGPAPAKALAT NG ‘FAKE NEWS’, GAWING KRIMEN

Published Sep 22, 2022 03:45 PM by: NET25 News | 📷 : Senate of the Philippines FB

PAGPAPAKALAT NG ‘FAKE NEWS’, GAWING KRIMEN

Gawing krimen ang pagpapakalat ng ‘fake news’ gamit ang online. Ito ang isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada sa inihain niyang Senate Bill 1296 na naglalayong masugpo at matigil na ang paglaganap ng 'fake news' sa internet sa pamamagitan ng pagsama rito sa mga itinuturing na cybercrime sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Sa panukala ay pina-aamyendahan ang batas para maisama ang ‘fake news’ sa listahan ng mga cybercrime offenses. Partikular na ipinatuturing na krimen ang paglikha at pagpapakalat ng pekeng balita na ginawa sa pamamagitan ng computer system, internet, online o sa iba pang katulad na paraan na magagamit sa hinaharap. Naging laganap na umano ang mga 'click baits', propaganda at manipulasyon sa mga lehitimong news segments na ang layunin ay magpalaganap ng kasinungalingan, disinformation at maling balita kaya naman mahirap nang matukoy ngayon kung ano ang totoo at ano ang mga pekeng balita.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News