Logo
FEATURED

HIGIT P2 NA ROLLBACK MULI SA PRODUKTONG PETROLYO

Published Aug 08, 2022 04:30 PM by: NET25

HIGIT P2 NA ROLLBACK MULI SA PRODUKTONG PETROLYO

Higit dalawang piso ang ipatutupad na bigtime price rollback ng mga kumpanya ng langis sa diesel at gasolina maging ng kerosene bukas, Agosto 9. Sa magkakahiwalay na advisories, 2 pesos and 20 centavos ang bawas presyo sa bawat litro ng diesel. Two pesos and 10 centavos naman ang ibaba sa kada litro ng premium at unleaded gasoline. Samantala, 2 pesos and 55 centavos ang rollback sa halaga ng kerosene o gaas. Karamhan ng mga kumpanya ng langis sa bansa ay nagpapatupad ng price adjustment tuwing alas sais ng umaga ng araw ng martes o bukas ng umaga.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News