Logo
FEATURED

PARAK UTAS SA TANDEM

Published Aug 08, 2022 04:23 PM by: NET25

PARAK  UTAS SA TANDEM

Patay ang isang 52-anyos na pulis makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa San Juan, Batangas, Linggo ng hapon. Kinilala ng San Juan police ang biktimang si Police Executive Master Sergeant Romel Panopio, residente ng Barangay Tipaz, San Juan, Batangas at naka-assign sa Batangas Police Provincial Office (BPPO). Nabatid na sakay si Panopio sa kanyang van at papasok na sa kanyang trabaho nang pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa Barangay Calicanto, San Juan, Batangas bandang alas-3:40 ng hapon. Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa di malamang direksyon. Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Panopio na isinugod pa sa District Hospital pero hindi na rin umabot pang buhay. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News