Logo
FEATURED

COVID-19 POSITIVITY RATE PATULOY SA PAG-ALAGWA

Published Aug 08, 2022 04:11 PM by: NET25

COVID-19 POSITIVITY RATE PATULOY SA PAG-ALAGWA

Muling tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research Group. Bukod dito may 15 lalawigan sa bansa ang nakitaan naman ng "very high" positivity rates ngayong Agosto. Sa pag-aanalisa ng OCTA sa datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 17.5% ang positivity rate sa NCR nitong Agosto 6 mula sa dating 15.5% noong Hulyo 30. Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa testing. Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na nasa 48.7% mula sa dating 30.3% noong Hulyo 30. Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na nakapagtala sila ng 4,621 bagong COVID-19 cases, kaya’t umaabot na ngayon sa 3,803,955 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News