Logo
FEATURED

OMICRON WAVE PINATATAGAL NG BA.5 SUBVARIANT

Published Aug 08, 2022 03:53 PM by: NET25

OMICRON WAVE PINATATAGAL NG BA.5 SUBVARIANT

Posibleng tumagal pa at abutin hanggang ‘ber months’ ang nararanasang pagtaas sa mga kaso ng COVID-10 omicron na nakikitang dulot ng BA.5 subvariant. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David na mas mahaba na kaysa inaasahan ang nararanasang ‘wave’ na una nilang inakala na tatagal lamang ng dalawang buwan tulad ng naganap sa South Africa. Sa trend sa kasalukuyang, posibleng tumagal pa mula 4 hanggang 5 buwan o umabot sa ‘ber months ang pagtaas. Nakikita naman ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, na ito ay dahil sa Omicron BA.5. Binubuo ng BA.5 ang 85% ng mga na-sequence nilang samples ng mga subvariants sa bansa. Sa 1,100 hanggang 1,200 samples na nasi-sequence nilang kada linggo, ang BA.5 ang "most predominant variant" na nakilang natutukoy kumpara sa ibang subvariants na BA.4, BA.2.12.1 at BA.2.3.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News