Logo
FEATURED

CAMP CRAME NASA FULL ALERT NGAYONG ARAW

Published Aug 08, 2022 02:39 PM by: NET25 | 📷 PNP

CAMP CRAME NASA FULL ALERT NGAYONG ARAW

Bantay sarado na ang paligid ng Kampo Crame sa Quezon City kasabay ng pagdiriwang ng Philippine National Police o PNP ng ika-121 anibersaryo ng Police Service ngayong araw ng Lunes. Panauhing pandangal sa okasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na siyang mangunguna sa gagawing pagdiriwang kasama ang mga opisyal gayundin ang 226,000 pwersa ng Pambansang Pulisya  Ang tema ng pagdiriwang para sa taong ito ay "Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa Kapayapaan, at Kaunlaran."  Dito bibigyang parangal ng Pangulo ang mga Pulis na gumanap ng katangi-tangi sa kanilang tungkulin kasama sina Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos at ang bagong PNP Chief na si PGen. Rodolfo Azurin Jr. “As we celebrate this auspicious day, we also honor and pay tribute to our fallen police officers, our unsung heroes, whose legacy, exceptional dedication to duty, selfless service, and unconditional love and sacrifices for our country and countrymen are forever etched in the colourful history of the PNP," sinabi ni Azurin. “On the 121st anniversary of the police service, the Philippine National Police marches on, guided by the peace and security framework dubbed “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran” or simply put “MKK = K”, standing in solidarity with the Filipino people as we work together for the full realization of the government’s development goals on food and energy sufficiency, ssustainable development, social justice, and just and lasting peace," dagdag nito. Kasunod nito, inaasahan din sa okasyon ang isang pagpupugay kay yumaong dating Pangulong Fidel Valdez Ramos na minsang namuno sa Pulisya noon sa ilalim ng Philippine Constabulary. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News