Logo
FEATURED

PNP INIIMBESTIGAHAN ANG PAGKAKAROON NG ID NG NBI ANG NATIKLONG SUSPEK SA BUY-BUST OPS

Published Aug 08, 2022 02:34 PM by: NET25 |📷 PNP

PNP INIIMBESTIGAHAN ANG PAGKAKAROON NG ID NG NBI ANG NATIKLONG SUSPEK SA BUY-BUST OPS

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police sa isang lalaki na may hawak na ID ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring buy-bust operation kamakailan. Sinabi ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., na ang suspek na si Vincent John Gumapac ay kakasuhan sa ilalim ng Revised Penal Code at usurpation of authority. Nag-ugat ang paghuli sa suspek sa buy bust operation ng CIDG Batangas noong August 2, 2022. Nakuha sa kanya ang 5.56mm rifle (Colt AR 15); cal.45 pistol; two piraso ng steel magazine sa 5.56mm; ten piraso na live ammunitions ng 5.56mm; 59 piraso ng live ammunitions para sa cal. 45; dalawang piraso ng live ammunitions sa cal. 9mm; tatlong steel magazines sa cal.45; isag fan knife; isang NBI Identification Card; PTCFOR Card; at plastic magazine sa CZ. Nakuha rin ang telepono, dalawang isag libong piso at sampung piraso ng P1000 na boodle money. “The number of seized firearms is an indication of the threat it poses and the possible crime that can be committed,” sinabi ni Azurin. “We have been dedicated to fighting criminality, and the series of police operation is showing good signs of our relentless efforts,” dagdag nito. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News