Logo
FEATURED

MGA PINOY SA ISRAEL PINAG-IINGAT DAHIL SA TENSYON SA GAZA STRIP

Published Aug 06, 2022 05:55 PM by: NET25 News

MGA PINOY SA ISRAEL PINAG-IINGAT DAHIL SA TENSYON SA GAZA STRIP

PINAYUHAN ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pinoy na nasa nasabing bansa (Israel) na magdobleng ingat bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Gaza Strip. "Maging maingat at mapagmatyag sa paligid," ayon sa embahada sa kanilang advisory na naka-post sa  Facebook. Iyong mga nakatira sa loob ng Gaza Envelope at katimugang bahagi ng Israel ay pinapayagan na i-obserba o sundin ang sumusunod na  guidelines na itinakda ng  Home Front Command gaya ng "educational activities are prohibited; work activities may only be conducted inside standard protected space near a bomb shelter; and small gatherings of up to 10 people are allowed in outdoor spaces and up to 50 people in indoor spaces." Pinayuhan din ang mga Filipino na iwasan muna o ipagpaliban ang pag-byahe sa mga sensitbong lugar gaya ng  Golan Heights, malapit sa  border ng Lebanon, at  Gaza. "Huwag na huwag kukuha ng litrato/video, o mag-usyoso sa nagaganap na kaguluhan o karahasan dahil ito ay delikado," ayon pa rin sa embahada. Pinayuhan din ang mga pinoy na iwasan muna ang pagpunta sa mga matataong lugar . Kailangan din na maging maingat ng mga pinoy sa paggamit ng  public transport o habang naghihintay sa  bus stop o station. Dapat din na nagmo-monitor ang mga pinoy sa mga kaganapan kaugnay sa nagpapatuloy na tensyon sa Gaza "via trustworthy sources" gaya ng newspapers at telebisyon.   "Huwag lumapit sa mga Israeli security forces na naka-puwesto sa sensitibong lugar na nabanggit sa itaas," ayon pa rin sa embahada. Pinayuhan din ang mga pinoy na tawagan ang kahit na anuman sa mga sumusunod para humingi ng tulong kung kinakailangan: "Police: 100; Magen David Adom (Ambulance/Emergency Medical Service): 101; Fire: 102; Israel Electric Corporation: 103; Home Front Command: 104 at Municipality Call Center: 106, 107, 108 Maaari ring kontakin ang  Philippine Embassy in Israel sa  hotline number +972544661188 "in case of emergency."

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News