DOH NILINAW NA WALANG 'PRIORTIZATION LIST' SA VACCINATION
Published Aug 06, 2022 05:55 PM by: NET25 News | 📸: PNA
Nilinaw ng Department of Health o DOH na walang "prioritization list" ngayon pagdating sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine. Ang pahayag ni DOH officer-in charge Usec. Maria Rosario Vergeire ay sa gitna ng panawagan ng ilang mambabatas na i-abolish ang prioritization list upang maiwasan ang vaccine “wastage”. Sinabi ni Vergeire na layunin ng prioritization noon ay dahil hindi pa sapat ang bakuna nang magsimula ang pagbabakuna noong Marso. "Siguro po mga third quarter ng 2021 pinapatupad natin ang prioritization kasi hindi pa ganun kadami ang acting pagbabakuna - ang ating bakunang suplay,” sabi ni Vergeire. Ngayon aniya na may sapat nang suplay at ang mga suplay ay sapat hanggang sa katapusan ng taong ito, binigyan diin ni Vergeire na wala nang prioritization. Dagdag pa ni Vergeire, lahat ng eligible population ngayon ay maari nang magpabakuna.
Latest News