Logo
FEATURED

DEPED HINILING SA LGU NA ALISIN ANG MGA ISOLATION FACILITY SA MGA ESKWELAHAN

Published Aug 06, 2022 05:54 PM by: NET25 News | 📸: DEPED

DEPED HINILING SA LGU NA ALISIN ANG MGA ISOLATION FACILITY SA MGA ESKWELAHAN

Hiniling ng Department of Education (DepEd) sa mga local government units (LGUs) na tanggalin ang COVID-19 quarantine facility sa mga paaralan dahil nakatakdang magsimula ang klase sa Agosto 22.   “We are really trying to prepare all the schools kasi kulang na nga tayo ng classrooms,” sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa.   Sinabi ni Poa na pumayag ang mga LGU na i-pull out ang mga Covid19 quarantine tents.   “We are really appealing to the LGUs na itong mga schools na nagamit na isolation facilities noon na ngayon ay may natitira pa ring mga tents, pinapatanggal na po natin yun and they committed to do so,” ayon kay Poa.   Nang tanungin kung ilang paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang COVID-19 quarantine sites, sinabi ni Poa na kumukuha pa rin ng impormasyon ang DepEd mula sa ilang regional offices.   Ayon sa partially published data ng DepEd noong Agosto 4, sa Metro Manila, naroroon pa rin ang quarantine facilities sa hindi bababa sa apat na school divisions at hindi pa inaalis ng mga LGU.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News