Logo
FEATURED

SUSPEK SA RAPE-SLAY NG BABAE SA MUNTINLUPA ARESTADO

Published Aug 06, 2022 05:54 PM by: NET25 News

SUSPEK SA RAPE-SLAY NG BABAE SA MUNTINLUPA ARESTADO

Arestado ang isang lalaking suspect sa panggagahasa at pagpatay sa isang 25-anyos na babae na itinapon sa isang masukal na lugar sa Muntinlupa noong Martes, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon. Isa umanong scavenger na kinilalang si Dionisio Alvaro, 38, ang dinakip kamakalawa sa Brgy. Sucat, ani Southern Police District spokesperson Maj. Hazel Asilo. "I am incredibly grateful for the hard work and commitment of team NCRPO most particularly the personnel of Muntinlupa police station in carrying out its mandate and looking for the suspect responsible for such heinous crime,” pahayag ni NCRPO director Maj. Gen. Felipe Natividad. Itinuro umano ng ilang witness si Alvaro na may kagagawan sa panggagahasa at pagpatay sa biktimang si Ayra Mae Garcia, na natagpuang duguan ang mukha at walang saplot pang-ibaba sa East Service Road, sa Brgy. Sucat. Siya ay idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Muntinlupa. Pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay ang mukha ng biktima saka ito hinalay. Kausap pa ng biktima sa cellphone ang kanyang kinakasamang si Virgilio Esguerra kung saan narinig pa nito ang pagsigaw at paghingi ng tulong ng una nang atakihin ng suspect. Plano na umanong magpakasal ng dalawa na may dalawa nang anak.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News