Logo
FEATURED

MAG-ASAWANG SENIOR, PATAY SA SUNOG

Published Aug 06, 2022 04:49 PM by: NET25 News

MAG-ASAWANG SENIOR, PATAY SA SUNOG

Patay ang mag-asawang senior nang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa BF Homes, sa Las Pinas City, kamakalawa ng gabi. Nakilala ang mga nasawi na sina Rolando B. Tablizo, 78 at Hortencia C. Tablizo, 78 ng 14 Lovely Road, BF Homes Almanza Dos. Dakog alas- 10 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng mag-asawa na idineklarang fire-out makalipas ang isang oras. Patuloy pang iniimbestigahan kung anong sanhi ng sunog. Kasamang natupok sa sunog ang isang Ford Ranger. Bago ang sunog ay may narinig na dalawang malakas na pagsabog mula sa nasabing bahay. Dahil umano sa nasusunog na sasakyan sa garahe ng mag-asawa ay nahirapang makapasok ang mga bumbero. Posibleng nasuffocate umano dahil sa matinding usok sa sala ng mag-asawa dahilan upang hindi nila nagawang makalabas.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News