Logo
FEATURED

IMPORTASYON NG ASUKAL, GIIT NG DA

Published Aug 06, 2022 04:49 PM by: NET25 News

IMPORTASYON NG ASUKAL, GIIT NG DA

Para maging stable ang presyuhan ng asukal sa pamilihan at mapunan ang kakulangan nito sa bansa kailangan umanong mag-import ang Pilipinas ng may 300,000 metric tons nito. Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary at spokesperson Kristine Evangelista may kakulangan sa suplay ng asukal sa bansa makaraang salantain ang sugar plantation ng bagyong Odette noong December ng nakalipas na taon. “Yung crop natin hindi maganda so merong mga nasira. Napakababa po talaga ng supply ng ating asukal kaya apektado ang presyo sa retail market,” sabi ni Evangelista. Idinagdag pa nito na ang pag-angkat ang unang solusyon para punan ang kakulangan sa asukal. Malalaman sa susunod na linggo ang planong importation dahil kailangang umanong may maangkat na asukal sa buwan ng September, October at November para punan ang demand ng bansa at mapigilang tumaas ang presyo nito. Sa kasalukuyan ang presyo ng asukal ay P90 kada kilo pero may ilang palengke at pamilihan ang nagbebenta ng mula P120 hanggang P150 ang kada kilo ng asukal.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News