Logo
FEATURED

LANDSLIDES NAITALA SA ANTIQUE AT CEBU

Published Aug 06, 2022 04:49 PM by: NET25 News | 📸: LGU Consolacion

LANDSLIDES NAITALA SA ANTIQUE AT CEBU

Kasunod ng malakas na buhos ng ulan ay muling nakapagtala ng landslides o pagguho ng lupa sa Antique at Cebu. Sa Cebu, isang landslide ang tumama sa diversion road ng Sitio Riverside, Brgy. Nangka sa Consolacion.  Ayon sa disaster risk reduction and manage office, ito ay dahil sa patuloy na ulan mula pa nitong Huwebes ng gabi. Wala namang sugatan. Isinara lang ng lang ng pansamantala ang kalsada. Ginawan na lang ng mga alternatibong ruta ang mga motorista. Inilikas din ng local social welfare office ang ilang pamilya na malapit sa lugar. Ang Mantayupan Falls naman sa southern Cebu ay umalaw dahil sa matinding buhos ng ulan at nagpabaha sa mga barangay sa Barili. Sinabi ng Barili public information office na ang mga residente sa mga barangay  Santa Ana at Poblacion ay inilikas ng bumigay na rin ang tulay nang matamaab ng puno. Sa Antique, isang bahagi ng bundok sa Brgy. Adadan, Laua-an ang gumuho na nagresulta sa mga malalaking tipak ng bato sa kalsada at ibang katabing lugar. Stranded ang mga bus at ibang malalaking sasakyan papunta sa nasabing lugar dahil sa landslide. Wala namang sugatan. Patuloy ang clearing operations sa lugar.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News