Logo
FEATURED

MGA APEKTADO NG NORTHERN LUZON QUAKE, HALOS KALAHATING MILYON NA

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News

MGA APEKTADO NG NORTHERN LUZON QUAKE, HALOS KALAHATING MILYON NA

Aabot na sa halos kalahating milyon ang mga reaidente na naapektuhan ng nangyaring magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon nitong July 27, ayon sa NDRRMC. Sa pinakahuling situation report ng ahensya, umabot sa 499,703 ang mga apektadong indibidwal o 133,651 na Pamilya. Ang mga nasabing tao ay mula sa Ilocos Region, Cagayan De Oro, and Cordillera Autonumous Region. Umakyat naman sa 567 ang bilang ng mga sugatan, habang nanatili sa 11 ang naiulat na namatay. Pumalo naman na sa P1,342,438,371.81 ang danyos sa imprastraktura. Habang sa ulat ng Agriculture Department ay nasa P55,927,895 ang danyos naman sa agrikultura Aabot naman sa P5,145,420 ang halaga ng pinasala sa manukan, babuyan, isdaan at iba pa na livestock. Habang nasa 29 na siyudad at munisipalidad ang nagdeklara ng State of Calamity. Nasa 33,861 na bahay ang apektado sa lindol - 33,253 ang partially at 608 ang totally damaged. Umakyat na rin sa P116,521,739.71 ang halaga ng ayuda na naipamahaginna ng gobyerno sa mga apektadong residente. 

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News