Logo
FEATURED

PBBM AT US SECRETARY OF STATE BLINKEN, NAGKITA NA SA MALACAÑANG

Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News

PBBM AT US SECRETARY OF STATE BLINKEN, NAGKITA NA SA MALACAÑANG

SA KABILA ng makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malacañang, ngayong araw ng Sabado, Agosto 6, 2022. May naka-iskedyul kasing courtesy call si Blinken kay Pangulong Marcos, ngayong araw. Makikita sa larawan ang paglagda ni Blinken sa  Malacañang guest book bago pa personal na makipagkita sa Chief Executive. "The visit signifies the United States' commitment as an ally to the Philippines, ayon sa kalatas ng US Embassy. Nauna rito, sa pagdating sa bansa ni US Secretary of State Antony Blinken ay agad siyang sinalubong ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at mga opisyal ng Department of Foreign Affairs. Sa kabilang dako, sinabi ng  US State Department, pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Blinken ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy, trade, investment, democratic values at pandemic recoveries. Nakatakda ring makipagpulong si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at pagkatapos ay magkakaroon ng press conference ng 1:00 ng hapon. Naka-iskedyul din ang pagbisita ni  Blinken sa COVID-19 Vaccination Clinic at dadalo sa COVID-19 Assistance Event sa Manila ng 1:55 ng hapon. Habang makikipagpulong si Blinken sa civil society groups na sumusuporta sa COVID-19 efforts sa Manila bandang 2:40 ng hapon. Samantala, nakatakda namang bisitahin ni Blinken ang clean energy fair at dadalo sa U.S. Trade and Development Agency Offshore Wind Grant Signing sa Manila ng 3;55 ng hapon. Inaasahan naman na  magkakaroon si Blinken ng meet and greet sa mga empleyado at pamilya ng U.S. Embassy Manila sa Manila ng 6:10 ng gabi. Sinasabing, ito ang unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas si Blinken.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News