BATANES LGU, NAGHAHANDA NA SA TYPHOON SEASON
Published Aug 06, 2022 02:46 PM by: NET25 News
Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Batanes ang paghahanda ng mga food packs para sa napipintong typhoon season. Kamakalawa ay dumating sa probinsya ang unang batch ng food packs mula sa DSWD RFO 2 na bahagi ng ipinangako ni Sec. Erwin Tulfo na 5,000 food packs sa katatapos lamang na pagbisita ni Gov. Marilou Cayco sa opisina nito. Sa pakikipagtulungan ng DSWD sa Office of the Civil Defense (OCD) ay ibiniyahe mula Tuguegarao papuntang Batanes ang 882 family food packs lulan ng Philippine Air Force C295 Aircraft noong huwebes. Naging abala sa paghahakot ng daan-daang food packs ang mga kawani ng Provincial Government, DSWD-SWAD Office kasama ang uniformed personnel mula sa PNP, PCG, Philippine Navy, Philippine Marines, CAFGU, Reservists at BFP sa maayos na pag-preposition ng mga food packs sa Provincial Logistic Hub bilang paghahanda sa typhoon season. Magpapatuloy naman sa linggong ito ang paghatid ng PAF sa natitira pang food packs mula sa DSWD Region 2.
Latest News