Logo
FEATURED

SUV DRIVER SA NA NANAGASA NG SEKYU, LUMUTANG SA PROSECUTOR’S OFFICE

Published Jun 23, 2022 04:52 PM by: NET25 | 📷 Jesse Bustos

SUV DRIVER SA NA NANAGASA NG SEKYU, LUMUTANG SA PROSECUTOR’S OFFICE

Lumutang at naghain ng counter affidavit sa piskalya ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na sangkot sa viral hit-and-run incident sa Mandaluyong City kamakailan. Kasama ang kanyang abogado na si Atty Danny Macalino nang magtungo sa Mandaluiyong prosecutors office si Jose Antonio Sanvicente upang dumalo sa preliminary investigation hearing sa kaso. Sa naturang pagdiniga naghain ito ng kanyang counter-affidavit. Hindi naman nakadalo sa pagdinig ang biktimang si Christian Floralde, na kinatawan na lamang ng kanyang abogadong si Atty. Federico Biolena. Matatandaang si Sanvicente ay sinampahan ng kasong frustrated murder at abandonment of one's own victim kaugnay nang ginawang pananagasa at pag-abandona kay Floralde noong Hunyo 5. Tiwala si Atty. Biolena na papabor sa kanila ang desisyon ng prosecutors dahil malakas ang ebidensiya nila laban sa suspek.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News