Logo
FEATURED

PAMAMAHAGI NG 2ND TRANCHE NG FUEL SUBSIDY, HINTO MUNA-LTFRB

Published Jun 23, 2022 04:18 PM by: NET25

PAMAMAHAGI  NG 2ND TRANCHE NG FUEL SUBSIDY, HINTO MUNA-LTFRB

Ihihinto na muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi sa second tranche ng fuel subsidy sa mga driver ng mga pampasaherong sasakyan na apektado ng pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo. Binanggit ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion, ipauubaya na ng board sa susunod na administrasyon ni incoming president Ferdinand ‘Bongbong’" Marcos Jr. ang pagbibigay ng naturang ayuda. Ipinaliwanag pa ni Cassion na ito ay dahil na rin sa kailangan munang hintayin kung anong magiging sistema at patakaran ng bagong administration sa subsidy program. Nakasaad sa orihinal na budget sa General Appropriations Act, aabot sa P2.5 bilyon ang nakalaang pondo para sa 300,000 benepisyaryo ng fuel subsidy sa second tranche. Sakasalukuyang nasa 50,000 pang bepenpisyaryo ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda sa first tranche. Nakipag usap na anya ang LTFRB sa Land Bank of the Philippines para maipapasok na ang ayuda sa mga hindi pa nakatanggap ng first tranche sa mga automated teller machines sa loob ng linggong ito.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News